Siguro nga tamang iniwan mo ako

Siguro nga tamang ganito tayo

Siguro nga deserve kong nagdurusa ako ngayon

I took you for granted.

Hindi ko nakita yung kahalagahan mo dati

Iniisip ko kasing nandyan ka lang palagi

Akala ko kasi hindi mo ako iiwan

Siguro nga tamang ganito nalang tayo

Kasi marami ring mali sa sarili ko na kailangan kong ayusin

Maraming mali sa buhay ko na pamilya ko lang ata ang makakaintindi at ilan sa mga kaibigan ko

Tama nga ang sabi ni mama nung bata ako

"Kapag ganyan ka, walang magtatagal na kaibigan mo."

Ang dami kasing nagtagal kaya akala ko wala akong maling ginagawa

Ang dami pala

Wala na siguro akong gustong iparating na iba kung hindi kapatawaran

Hindi ko kayang kontrolin ang galit ko

Mabilis akong naiinis

Needy ako

Minsan, malulungkot akong mag-isa na kakailanganin kita doon

Naiinis ako kapag gutom ako o inaantok 

Maingay ako

Makulit

Minsan magulo 

Minsan tamad

Hindi marunong magpakita ng tunay na nararamdaman

Nahihiyang ipakita sa mga mahal niya sa buhay na mahal niya sila

Hindi ako perpekto

Madami akong issues sa buhay ko na kailangan kong ayusin at baguhin

Ikaw lang kasi sa lahat ng taong nakilala ko ang nag-question at nag-challenge sa kung sino ako

Kaya siguro parang naging bagyo ang lahat

Hindi ko alam

Basta patawad

Ng sobra-sobra-sobra

Alam kong medyo bobo na dito ko sinusulat lahat ng ‘to eh hindi mo rin naman makikita….

Pero sana makita mo.

Patawad.

crisostomoibarra21 asked:
naniniwala kaba sa famous line na, "kapag nagmahal ka ng dalawa, piliin mo un pangalawa dahil hindi ka naman hahanap ng iba kung mahal mo talaga yun una"

israelmekaniko:

Magkaiba kami ng pananaw ni Pareng Bob Ong.

Mataas ang tingin ko sa konsepto ng pagmamahal kaya naniniwala ako na hangga’t may ibang laman ang puso ng isang tao, hindi yun kayang palitan ng ganung kadali lang. Hindi pagmamahal yung nararamdaman mo sa pangalawa kundi pagkukumpara lang sa nauna.

Nakita mo lang bigla yung mga kakulangan niya na wala dun sa isa kaya akala mo mahal mo na.

Ang minahal mo ay ang ‘kawalan’ at kakulangan ng taong ipinagpalit mo na natagpuan mo sa iba dahil hindi ka marunong makuntento.

Kaya dun pa rin ako sa una.



'Cause I hurt you too

and you deserve to be happy


10 THINGS NA NAKAPALOOB SA "THE 3-MONTH-RULE"

10 THINGS NA NAKAPALOOB SA “THE 3-MONTH-RULE”

This 3-month-rule is applicable only para sa dalawang taong matagal ng in-a-relationship na nauwi lang ang forever sa ‘whatever’. Wala siyang kahit anong scientific basis or reference. Pero isa itong pagrespeto sa matagal na pinagsamahan before entering into another relationshit

  1. "Me time" muna. Hindi landi-landi muna. Kelangan mong magcleansing at idetoxify ang sarili sa lahat ng stress at pait na dulot ng kahapon.
  2. 3-months lang ang sagad na palugit para iblock mo siya sa FB. By that time dapat nabawasan na yung bitterness mo kahit konti.
  3. Bawal magpost ng happy photos with someone else. Baka isipin niyang nakamove-on ka na agad agad.
  4. Gawing public ang status para mabasa niya yung mga kadramahan mo just in case ini-istalk ka niya.
  5. Wag mo munang isosoli yung mga gamit at mga regalong binigay niya. Sayang din. Pwede mo pa siyang ibenta sa OLX at ayosdito.
  6. Wag mo munang idedelete ang lahat ng happy photos niyo together. Ilipat na lang ito sa private folder. Ihampas ang ulo sa pader para kunwari nakalimutan mo yung password.
  7. Wag ng ibroadcast kung may kalandian ng iba, magkunwaring friends lang muna. 
  8. Wag ng mag-attempt puntahan ang favorite place niyo together. Baka mabitter ka lang kapag nakita mo siya dun na may kasamang iba.
  9. Kung makikipagdate sa iba, hanggang “milktea-milktea lang muna”.
  10. Iwasang madevelop kay “shoulder to lean on” friend. Numininja moves lang yan at that certain point na super marupok ka.

Pero minsan, hindi pa rin sapat yung 3-month-rule para tuluyan mong makalimutan ang lahat ng ‘tangina feelings’ na meron ka. Dahil ang totoo, wala naman yan sa number of days and months and years dahil hindi hawak ng kalendaryo ang feelings ng isang tao. Nasa lalim yan at intense ng pinagsamahan. Pwedeng abutin ng ilang taon, pwede rin namang 2 weeks lang kung talagang malandi ka at “kating-kati kang palitan siya”.

But the bottomline is, hintayin mong makapag move-on ka bago ka magmahal ng iba. Maaaring mawala yung pagmamahal mo sa isang tao pero dapat andun pa rin yung respeto kahit hindi na kayo.

Do what you can, with what you have, where you are.
Theodore Roosevelt (via feellng)

quotelounge:

Good Vibes HERE

Me

(Source: o-t-6)

quotelounge:

Good Vibes HERE

KAKABREAK LANG AFTER ISANG ARAW SHINOTA AGAD BESTFRIEND. SHUR REBOUND.

Ugh
#paanonakayafeels

At oo, ikaw pa rin ang laman ng isip ko. Sorry.
Theme Urban v3 by Max Davis